Teacher-Volunteers ng SANHSP Nagpahayag ng Buong Pusong Sakripisyo para sa Brigada Pagbasa Cycle 2 – Maricrys G. Ojano
“The greatest sacrifice is to love; and to love is happiness.” Ito ang mga katagang binitawan ni Dr. Edwin Segundo Doria sa mga guro at Brigada Pagbasa Reading volunteer ng San Antonio National High School Paranaque ngayong araw ng Sabado, Pebrero 4, 2023. Nagkaroon ng mahigit trenta minutong kumustahan sa grupo ng mga guro at volunteer kasama sina Dr. Doria at Gng. Lilibeth De Leon Santamaria , ang punung guro ng SANHSP.
Ang nasabing kumustahan ay prinoseso ni Gng. Maricrys Ojano, Puno ng Departamento ng English at Filipino. Ito ay nag umpisa sa pag-uulat ng dalawang Brigada Reading Coordinator na Sina Bb. Diane Fayo at Bb. Jenifer Acido . Ipinaliwanag nila ng buong husay kung paano nila ginagawa at inihahanda ang mga gawain at materyales para sa bawat session ng Brigada Pagbasa.
Binigyan ni Dr. Doria ng pagkakataon ang bawat volunteer teacher sa pamamagitan ng one-liner o one-sentence na ipahayag ang kanilang eksperiensya at saloobin sa nasabing programa na Brigada Pagbasa. Ang bawat guro ay nagbigay ng tapat at tagos sa pusong sagot at paliwanag.
Ayon Kay Dr. Doria, tunay na di matatawaran ang dedikasyon at sakripisyo ng mga guro at volunteer sa paglalaan ng kanilang oras sa bawat Sabado upang makatulong sa hangarin ng SDO -Paranaque, katuwang Ang LGU na ang BAWAT BATANG PARANAQUENO, BUMABASA. Ito daw Ang tunay na kahulugan na pagmamahal at sakripisyo.
Bumisita din sa parehong araw sina Engr. Leonora Nofuente , PSDS Ng District 10 at G. Sabadlab upang imonitor ang Brigada Pagbasa, Boy Scout Camping Activity at ALS class ni G. Richard Chadee Bautista Villanueva.